I wish you knew.

Mahal Kita Maging Sino Ka Man. :)


Joana

19 yrs of age.

Was born & raised in Macau.

3 Siblings, 2 Wonderful Parents.

"Blog ko 'to, kaya sasabihin ko kung anong gusto kong sabihin."


<a href="http://www.youtube.com/watch?v=-PqHzz06VG8?hl=en&autoplay=1&loop=1"><img src="http://www.gtaero.net/ytmusic/play.png" alt="Play" style="border:0px;" /></a>


Facebook | Twitter

Mother’s Day. 

May 13th at 12PM / tagged: Mother's Day. / 0 notes

Yung feeling na wala man lang akong naibigay sa Mama ko ngayong Mother’s day maliban sa kiss at yakap. Yung bigay na bibilhan mo talaga siya ng something para maging masaya siya sa araw na ‘to. Wala eh. Short na short. Tag-hirap.

—-x—-

Hayaan mo, Ma. Babawi ako. Alam mo naman na kahit anong mangyari, mahal na mahal ka namin. 

Wala na akong mahihiling pa pagdating sa’yo. Napakabait mong magulang. Wala akong masabi. Wala kang katulad o kapantay. Nag iisa ka lang at kahit anong mangyari, hinding hindi kita ipagpapalit. Napakabuti mong Ina. Hangang hanga ako sa tapang mo. Lahat kinakaya mo. Lahat ginagawan mo ng paraan para lang maging maayos ang lahat. Basta Ma, palagi lang kaming nandito para sa’yo. Kaming mga anak mo. Tumanda ka man, hindi ka namin iiwan. Aalagaan ka namin, kayo ni Papa wag kang mag alala. Mahal na mahal ko kayo.

HAPPY MOTHER’S DAY MAMA! :*


May 7th at 12AM / via: heyimria / op: akoposikathleen / 2,426 notes

(Source: akoposikathleen)


love-live-quote:

Remember who loved you first… Jesus

love-live-quote:

Remember who loved you first… Jesus


May 5th at 9AM / via: heynikkiyosofine / op: fungomad / 136 notes

(Source: fungomad)


“Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.” 

(Source: emissaryofsadness)


Napansin ko lang ah.

Dumadami ang mga kabataan ngayon na akala mo kung sino. Nagmamalaki na. Sumusuway na. Lumalaban na talaga sa mga magulang. Dahil ba may trabaho na? May pera na kaya nagagawa na ang gusto? Kaya ba nagagawa nang suwayin ang mga magulang? Ganon na ba talaga ngayon dito sa mundong ibabaw? 

Pagsabihan mo nga lang konti, sila pa masama ang loob eh. Magdadabog pa. Kung ano ano pang sasabihin. Mangangatwiran pa. Buti sana kung tama mangatwiran eh. Kaso hindi, baluktot din. Hindi porket hindi ka magpapabuntis, o mag aadik adik eh tama na yang mga pinaggagawa mo. Oo, hindi nga adik adik pero grabe naman kung magbisyo. Wag kang lumaking paurong. Imbes na isipin mo kung paano ka makakatulong sa pamilya mo, mas iniintindi mo pa yang walang kakwenta kwentang bagay na yan. Alalahanin mo na may pamilya kang nag aalala sa’yo sa tuwing nagiging pasaway ka. Ano bang naidulot na maganda sa’yo ng mga kabarkada mo? Meron ba? I don’t think so. Isipin mo muna dapat ang pamilya mo. Sila ang unahin mo, hindi ang barkada. Ang barkada nawawala. Eh ang pamilya mo? Nandyan sila para sa’yo. Sa hirap o ginhawa, sila ang kasama mo.

Eh kung ngayong nag aaral ka, ganyan ka na, minsan nalang makita sa bahay, paano pa kaya kapag nakatapos ka? Baka naman hindi mo na kilalanin yung mga tao sa inuuwian mo. Baka mas kilalanin mo pang kapamilya yung mga nakakasama mong magbisyo dyan sa labas. Hello? Sure ka bang nag aral ka talaga? 

Eh bakit ka nga ba pumapasok sa eskwelahan? Para makipagtsismisan sa katabi mo? Para mangopya ng mga sagot kapag may assignment/test o exam? Para magmalaki sa pamilya? Eh kung ganun rin lang, wag kna mag aral. Sayang lang yung binabayad ng mga magulang mo. Puro kasamaan lang pala natututunan mo. 

Nang dahil sa kakalayo mo sa pamilya mo, pati dun sa mahahalagang events o occasions sa buhay ng mga mahal mo sa buhay eh wala ka. Kaya utang na loob, itigil mo yang pinaggagawa mo. Gumawa ka ng bagay na makabuluhan, hindi yung mga bagay na sisira sa’yo balang araw. Maawa ka sa sarili mo. Maawa ka sa mga taong nagmamahal sa’yo. Maawa ka sa mga taong maghihirap kapag may nangyaring hindi maganda sa’yo. Wag mong sayangin ang buhay mo kung ayaw mong magdusa bandang huli.


godsradicaldaughter:

You know what, beloved, there’s more to you than most of them say. You are beautiful, and you don’t have to prove that. The One who keeps the Universe working knows it, and it is more than enough.
You can stand out here in this world, because you know how special and set apart you are, and because you know that you don’t have to impress or imitate anybody to prove it. You are God’s design. You have a purpose here, and you are more loved, and more accepted in His eyes, than you think.

godsradicaldaughter:

You know what, beloved, there’s more to you than most of them say. You are beautiful, and you don’t have to prove that. The One who keeps the Universe working knows it, and it is more than enough.

You can stand out here in this world, because you know how special and set apart you are, and because you know that you don’t have to impress or imitate anybody to prove it. You are God’s design. You have a purpose here, and you are more loved, and more accepted in His eyes, than you think.


May 4th at 7AM / tagged: Dalaw. / 0 notes

Kapag ganitong namimilipit ka sa sakit ng puson mo, parang gusto mo nalang makipagpagpalit ng katauhan sa kahit na sinong lalaki para lang hindi maramdaman ang sakit.

Kung pwede lang talaga eh. :/


Apr 25th at 10AM / via: jaceblogs / op: jaceblogs / 7 notes
jaceblogs:

Yes, Lord, I am set :) . 

Galing galing naman ng Jacii namin!! Sabi sa&#8217;yo eh. Kaya mo! :D

jaceblogs:

Yes, Lord, I am set :) . 

Galing galing naman ng Jacii namin!! Sabi sa’yo eh. Kaya mo! :D


Apr 12th at 1PM / via: godrite / op: godrite / 48 notes
godrite:

Reasons…

godrite:

Reasons…


Apr 10th at 10PM / via: sweetcess / op: perfectbucketlist / tagged: T. marshxmallows. Will Delete. / 7,278 notes
sweetcess:

WILLLLLL DEFINITELY TRY THIIISSSSS :)

May kakilala akong gumawa nito. Diba Lynz? Si T. :p

sweetcess:

WILLLLLL DEFINITELY TRY THIIISSSSS :)

May kakilala akong gumawa nito. Diba Lynz? Si T. :p


(Source: takemetogoodtimes)


Apr 8th at 12PM / via: beben-eleben / op: televandalist / 146,750 notes
I miss this! Friends, tara! Punta tayo sa HK next month! Ocean Park tayo!! :D

I miss this! Friends, tara! Punta tayo sa HK next month! Ocean Park tayo!! :D

(Source: televandalist)


Apr 5th at 12PM / via: godrite / op: godrite / 18 notes
godrite:

Dedicate yourself to God

godrite:

Dedicate yourself to God


All the time, God is good. 

Hindi ko nakaugaliang magsimba every Saturday o Sunday. Minsan minsan lang. Lumaki akong ganun eh. Pero hindi ibig sabihin nun wala akong takot sa Diyos, hindi ibig sabihin nun hindi ko siya kinikilala at hindi ibig sabihin nun hindi na ako marunong magdasal. Pero siyempre, minsan hindi maiwasan na manliit ako sa mga kaibigan ko na madaming alam sa Bible at sa Kanya. Kaya habang tumatanda ako, sinusubukan kong baguhin kung ano man ang dapat kong baguhin sa sarili ko. Gusto ko pang mapalapit sa Kanya. Gusto ko pang makilala Siya.

Sa araw araw na ginawa ng Diyos, hindi maiiwasan na magalit tayo, may masabing hindi maganda, magkaroon ng problema, magyosi, uminom, magparty party, mag punta ng bar at magsayaw all night. Pero at the end of the day, Siya parin ang bubulaga sa’tin. 

Sa’kin madalas mangyari ‘toh. Madami man akong hindi maganda na nagagawa araw araw. Nasasagot ko man paminsan minsan ang mga magulang ko, bago ako matulog, kahit antok na antok na ako, hindi ko parin magawang ipikit and mga mata ko dahil may pumipigil sa’kin. Alam ko sa sarili ko na tinatawag Niya ‘ko. Gusto Niyang maalala ko man lang Siya bago matapos ang gabi. Kumbaga gusto Niya ng update sa mga nangyayari sa buhay natin araw araw, at humingi ng kapatawaran kung meron man tayong nagawa na hindi maganda.

Sa totoo lang, ang sarap sa pakiramdam. Ang sarap matulog na alam mong nakahingi ka ng tawad. Masarap matulog na alam mong nakausap mo man lang Siya bago matapos ang gabi. Ang sarap sarap sa pakiramdam na mapalapit sa Kanya.

Nagpapasalamat talaga ako dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala Siya. Nagpapasalamat ako dahil kahit minsan hindi Niya ako binigo. Kahit minsan hindi ko naramdaman na nag iisa lang ako. Nagpapasalamat ako ng sobra sa Kanya dahil maganda ang buhay ko at buhay ako ngayon. Nagpapasalamat ako dahil biniigyan niya ako ng mabubuting tao sa buhay ko. Nagpapasalamat ako dahil sa kabila ng lahat ng problema na dumating samin, buo parin pamilya ko at siyempre kaming magkakaibigan. Hindi lang yun, sobrang nagpapasalamat din ako dahil binigay Niya sa’kin si Mike. Sobrang thankful ko lang talaga sa buhay ko at sa mga taong nakapaligid sa’kin. Ang bait bait ni God sa’kin. I’m so blessed talaga! 

God is good talaga all the time. Sobra ang pasasalamat ko sa Kanya dahil kahit ang dami daming problemang dumadating sa buhay ko, sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, palagi parin Siyang nandyan at hinding hindi Niya kami pinapabayaan. Yung kahit pakiramdam mo down na down ka na, may part parin sa sarili mo na nagpapaganda ng pakiramdam mo. Yung pakiramdam na kahit wala yung mga taong inaasahan mong dadamay sa’yo, alam mong may karamay ka parin. Dahil palagi lang Siyang nasa tabi natin. 

Kaya wag natin Siyang kalimutan dahil kailanman wala siyang ibang hinangad kundi ang mapabuti tayo. Ang sarap sarap mabuhay lalo na kung Siya ang inuuna natin. Wala Siyang ibang hinangad kundi ang bigyan tayo ng mgandang buhay. Wala Siyang ibang hinangad kundi ituro sa atin ang tamang daan na dapat nating tahakin. Isinakripisyo Niya ang sarili Niyang buhay para lang mailigtas tayong lahat sa mga kasalanang hindi naman Niya ginawa. Patunay ito ng isang tunay na pagmamahal. Kaya wala tayong karapatang i-isantabi siya. Matuto tayong tumingala at kilalanin ang ating Diyos Ama.